Kung kausapin mo man ako

Hindi ko pa din alam kung kaya na ba kita kausapin ulit tulad ng dati. O kung gusto pa ba kita kausapin. Pero kung sakali man na mag-usap tayo…

Huwag mo kong tatanungin kung gusto ko pumunta sa mga lugar na madalas nating puntahan.

Matagal din bago ko nakabalik sa mga lugar na iyon na hindi ikaw ang unang maiisip ko.

Huwag mo tatanungin kung ano cellphone number ko.

Kasi iniisip ko na wala kang maka-usap at hinahanap mo ko, na namimiss mo na yung kwentuhan natin buong gabi.

Huwag mo ko sasabihang mag-ingat.

Kasi iniisip ko na nag-aalala ka sa akin, na may pakialam ka pa.

Huwag mo tatanungin kung pwede pa ba tayong maging mag-kaibigan.

Kasi iniisip ko na mahalaga ako sa’yo, na ayaw mo ko mawala sa buhay mo.

Huwag mo na lang din akong tatanungin kung kamusta na ako.

Iniisip ko pa kasi na gusto mo malaman kung okay lang ako, okay na ba ako, okay na tayo. Kasi hindi na mangyayari iyon.

Huwag mo na lang pala ako kausapin.

Kasi takot na ko iniisip pa lang kita. Sa paanong kaya mo kong saktan na wala kang ginagawa.

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s